Pumanaw na ang Filipino folk music legend na si Heber Bartolome sa edad na 73 nitong Lunes.

“Nawalan siya ng pulso kaya dinala sa Veterans (Memorial Medical Center),” Kwento ng kapatid nito na si Jesse.

Ayon pa kay Jesse, may iniinda ng prostate stone sa loob ng isang taon ang OPM Icon bago pa ito pumanaw.

“Biglaan, masaya pa kami nung birthday niya eh … noong nakaraang Tuesday [November 9],” patuloy na kwento nito.

Si Bartolome, mas kilala sa tawag na Ka Heber, ay isang Filipino folk singer at songwriter, binuo nito ang bandang Banyuhay na isinunod sa pangalan ng isang literary magazine kasama ang kanyang kapatid na si Jesse at Levi sa kasagsagan ng martial law noong 1972 at nakilala sa mga awiting tulad ng “Tayo’y Mga Pinoy,” “Pasahero,” “Almusal,” “Karaniwang Tao,” at “Inutil Na Gising”.

Ipinanganak at lumaki sa Cabanatuan City, Nueva Ecija, bata palang ay naging parte na ng buhay ni Ka Heber ang musika. Nagtapos si Bartoloma ng Fine Arts sa University of the Philippines noon 1973. Dito, naging m Miyembro siya ng ROTC Band at University of the Philippines Diliman Concert Chorus kung saan siya nagtapos ng Fine Arts noong 1973.

Kanya ring itinatag ang UP Astrological Society na hindi ka maiiwasang mabati ng “What’s your sign?”.

Naging editor din si Bartolome sa Pilipino Section ng Philippine Collegian– opisyal na student publication ng University of the Philippines.

Bukod sa paggawa ng awitin, hindi maiaakila na magaling din sa larangan ng pagguhit ang OPM Icon. Isa sa huli nitong mixed media painting na “Ang Bayan” ay naging parte ng Ortigas Art Festival noong 2020. Ang nasabing obra ay nagkakahalaga ng 20 million pesos ay tumatalakay sa pinagsama-samang pagsubok ng Pinoy laban sa injustice at abuse.

Nagturo rin ng Filipino Literature ni Ka Heber mula 1981 hanggang 1984.

Wala pang detalye sa magiging burial nito, pero ayon sa kapatid ng Icon, maaari itong makita ng publiko dahil hindi ito pumanaw sanhi ng COVID-19. DZUP