Suportado ng mga dating guro ng Unibersidad ng Pilipinas (UPD) ang protesta ng UP Diliman University Council laban sa kautusan na inilabas ng Commision on Higher Education (CHED) sa Cordillera Administrative Region (CAR) na tanggalin ang mga “subversive” na aklat sa mga koleksyon ng silid-aklatan sa lugar.

Sa inilabas na pahayag, tinawag nilang isang pag-atake sa kalayaang pantalisikan sa lahat ng Pamantasan sa bansa ang nasabing hakbang dahil magdadala anila ito ng mas maraming pang hakbang para alisin ang kalayaan ng mga paaralan sa buong Pilipinas.

Paliwanag pa nila na kahit “non-compulsory” o ’di sapilitan ang kautusan, may epekto pa rin ito sa ating bureaucracy.

Dismayado rin sila sa naging pahayag ni CHED Chairman Popoy De Vera na ang pagsunod ng mga state universities sa nasabing kautusan ay paraan ng mga ito para ma-exercise ang sarili nilang kalayaang pantalisikan.

The CHED Chairman also decries UP Diliman’s response to the CHED memorandum as a form of “disrespect” toward other institutions. But indeed the greater disrespect manifest here is that of the fundamental and constitutionally protected right of all Philippine institutions of higher learning to academic freedom,” bahagi ng kanilang pahayag.

Sa huli, kanilang pinanawagan na alisin ng nasabing ahensya ang nasabing memorandum at manatili ang Board of Regents and University Administrator ng UP sa mga hakbang nito para sa academic freedom.

Kabilang sa tatlumpot-limang Professor Emeriti na lumagda sa nasabing pahayag ay sina National Artist Virgillio Almario, Historian na si Ma. Serena Diokno, Economists na sina Ernesto Pernia at Solita Monsod, at UP Chancellors Fidel Nemenzo at Michael Tan. DZUP