Suportado ni dating Bayan-Muna Partylist Representative at ngayo’y chairperson nito na si Neri Colmenares ang implementasyon ng dalawang linggong health break sa mga paaralan.
Ayon kay Colmenares, ang kasalukuyang bugso ng kaso ng COVID-19 ay talagang tumama sa lahat lalo na sa hanay ng mga guro.
“The recent surge of COVID-19 cases is indeed taking its toll on everyone, especially our teachers. With more people getting sick, many of our academic personnel are dealing with COVID-19 or ill family members. And despite sickness, our teachers are still tending to their classes,” bahagi ng pahayag nito.
Ganito rin ang nakikita ng dating mambabatas sa hanay naman ng mga mag-aaral, aniya patuloy sa pagdalo ang mga ito ng online classes kahit pa nag-positibo sa nasabing sakit o may sintomas ng flu.
“The same can be said for students who still attend online classes even after testing positive or having flu symptoms.“
Binanggit din nito na kahit pa kahanga-hanga ang kanilang ipinakita ay tao pa rin ang mga ito kaya’t dapat lang ang nasabing break para makabangon.
“That’s why I support the call of our teachers to implement a two-week health and wellness break for all schools. This break should give our teachers enough time to recover and de-stress from anxiety caused by the pandemic. By giving them a much-needed break, they can come back stronger to fulfill their academic duties.” sabi ng UP-Law Alumni. DZUP